Sen. Gatchalian, bukas na talakayin ang pagpapataw ng tax sa ukay-ukay

Sen. Gatchalian, bukas na talakayin ang pagpapataw ng tax sa ukay-ukay

BUKAS si Senador Sherwin Gatchalian na talakayin ang suhestiyon na patawan ng tax ang mga pumapasok na ukay-ukay sa bansa.

Kung matatandaan, si Senador Raffy Tulfo ang nagsabi nito.

Sa panayam ng SMNI News, madalas aniyang nangyayari na idinedeklara na donation para sa isang charity ang mga damit na dumarating ngunit ibinebenta pala ito bilang ukay-ukay.

Tiniyak naman ni Gatchalian na sakaling maipatupad ang pagpapataw ng tax sa mga dumarating na ukay-ukay sa bansa, hindi magbabago ang mga murang presyo ng bentahan nito.

Samantala, sinabi ni Sen. Gatchalian na sa ganitong kalakaran, ang mga importer ang hindi nagbabayad ng buwis ngunit binigyang-diin naman nito na ang mga retailer ay legal na nagbabayad ng tax.

 

Follow SMNI News on Twitter