Sen. Gatchalian, naghain ng resolusyon hinggil sa gas exploration sa WPS

Sen. Gatchalian, naghain ng resolusyon hinggil sa gas exploration sa WPS

INIHAIN ni Senador Sherwin Gatchalian ang isang resolusyon na naglalayong silipin ang oil at gas capability ng West Philippine Sea (WPS).

Ang kawalan ani Gatchalian ng oil at gas exploration ang siyang nagreresulta ng 98% dependence ng Pilipinas sa imported na produktong petrolyo.

Aniya, batay naman sa datos ng Department of Energy (DOE) hanggang 2021, aabot sa 6,203 million barrels ng kabuoang oil resources at 12,158 billion cubic feet ng total gas resources sa WPS.

Kung matututukan, makakatulong ito sa pagkakaroon ng self-sufficiency sa Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter