Sen. Go, dismayado sa kakarampot na panukalang budget ng PSC sa 2024

Sen. Go, dismayado sa kakarampot na panukalang budget ng PSC sa 2024

NAGHAYAG ng pagkadismaya si Sen. Bong Go sa panukalang 2024 budget ng Philippine Sports Commission (PSC) sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) na inilabas ng Department of Budget and Management (DBM).

“During the budget deliberation, parati ko talagang nababanggit na napakaliit nung pie. Kumbaga sa more than 5-T, ang inaalot ng DBM mula sa NEP ay napakaliit. .0004 ang inaaprubahan nila,” saad ni Sen. Bong Go, Chair, Senate Committee on Sports.

Magugunita na P3-B pondo ang hinihiling ng PSC para sa 2023 subalit P174-M lamang ang inaprubahan ng DBM.

Sa isang panayam sinabi ni Go na ‘di dapat inaasa sa Senado ang pagdagdag ng budget para sa mga ahensiya ng gobyerno. Dapat aniya ay inilalagay na muna ang naaangkop na budget saka ito hihimayin sa Senado.

“So dapat ay suportahan po natin ito. Tayong nasa gobyerno… magtulungan po tayo para sa ating atleta,” dagdag ni Sen. Go.

Sa budget deliberation sa Senado, ipinanukala ni Go na dagdagan ng P500-M ang P174-M budget ng PSC para sa susunod na taon.

Paliwanag ni Go, kaawa-awa ang situwasyon ng mga Pilipinong manlalaro na nagbibigay ng karangalan sa bansa na kapag bigo naman sa kanilang laro ay sangkatutak na batikos ang natatanggap.

“Kasama na po rito ang repair sa PhilSports, Rizal Memorial Coliseum, at assistance to athletes na mag-participate sa Paris Olympics, Winter Olympics at marami,” aniya pa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter