Sen. Go inaasahan na muling paiikutin ng PhilHealth ang pagdinig sa Senado

Sen. Go inaasahan na muling paiikutin ng PhilHealth ang pagdinig sa Senado

“BAWAL ANG IWAS PUSOY!!!!” Ito ang muling babala ni Senate Committee on Health Chairman Sen. Bong Go sa PhilHealth, sa muling pagsalang ng ahensiya sa pagdinig ng komite sa araw ng Martes, Setyembre 10.

Sinabi ito ng senador kasunod ng pangamba na muling papaikut-ikutin ng PhilHealth ang mga sagot kapag humingi ang komite ng update tungkol sa mga pangako ng PhilHealth na pagsasaayos at pagpapabuti ng mga benepisyo at serbisyo para sa mga pasyenteng Pilipino.

Matatandaang halos dalawang buwan na ang nakakaraan nang ipangako ng liderato ng PhilHealth kay Sen. Bong Go na “immediately” o agad-agad ay irerekomenda nito kay Pangulong Marcos na ibaba o bawasan ang contribution ng mga PhilHealth members.

Pero makalipas ang isang buwan, nang kamustahin ni Sen. Go ang pangako, sinabi ng PhilHealth na pinag-aaralan pa nito kung paano irerekomenda sa Pangulo ang decrease sa premium contributions.

Dito na nag-warning si Go sa PhilHealth na huwag maging “iwas pusoy” o sumagot nang paikot-ikot. Muling nagpaalala si Go sa PhilHealth na bawat piso ay mahalaga lalo na sa karaniwang Pilipino na nagko-contribute sa PhilHealth.

Sa pagdinig bukas, muling pagpapaliwanagin ni Go ang PhilHealth kung bakit marami pa ring Pilipino ang aniya’y nanghihingalo sa ospital at namomroblema sa ipamababayad —— samantalang meron palang 90 BILLION PESOS NA EXCESS O NAKATENGGA LANG na pondo ang PhilHealth.

Muling iginiit ni Go sa PhilHealth na imbes na patulugin ang pondo ay gamitin sa mga programang may pakinabang sa mga pasyenteng mahihirap katulad na lamang ng Malasakit Centers na isinulong ni Go.

“Ang mga pasyente natin pag naadmit sa ospital P800,000.00. Kapag may PhilHealth ang nababawas ay 30,000.00. Saan sila pupunta para dito sa 770,000? Bakit hindi ninyo gamitin ang pondo, ang initial fund para sa mga mahihirap? Para hindi mawalis ang pondo ninyo. Pinaghirapan ‘yan ang bawat piso ng ating mga kababayan, ng bawat Pilipino. Pinagpawisan nila ‘yan,” pahayag ni Sen. Bong Go

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble