Sen. Go, nanawagan ng dasal para sa Gilas Pilipinas

Sen. Go, nanawagan ng dasal para sa Gilas Pilipinas

HUWAG mawalan ng pag-asa, ito ang mensahe ni Senator Bong Go sa kabila ng magkakasunod na talo ng Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup.

Matatandaan na sa ikalawang pagkakataon ay natikman ng Pilipinas ang pagkatalo. Ito ay matapos lamang ang Angola ng 10 puntos sa nagpapatuloy na FIBA Basketball World Cup na ginanap sa Araneta Coliseum Linggo ng gabi.

Ang laro ay nagtapos sa score na 80-70 pabor sa Angola.

Kaugnay nito ay tiniyak ni Senator Go na mananatili ang kaniyang full support para sa grupo gaya ng full support na ibinigay ni dating Pangulong Rodrigo R. Duterte para sa hosting ng FIBA.

Umaasa si Go na sa kabila ng pagkatalo ng Pilipinas sa unang round laban sa Dominican Republic at Angola ay mag-nunumber 1 pa rin ito sa Asya.

Malaking karangalan kasi para sa Pilipinas, na kilalang ‘Basketball Mecca’ sa buong Asian Region, na mag-number 1 sa buong Asya sa FIBA ngayong taon, ito ay upang mag-qualify sa 2024 Paris Olympics.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble