NAMAHAGI ng educational assistance payout ngayong araw si Sen. Imee Marcos sa 1,724 na mga estudyante ng Cebu Technological University (CTU), Main Campus, Cebu City.
Ang naturang mga student-beneficiaries ay pinili sa 22 na school campuses ng CTU at nakatanggap ito ng P5-K kada isa.
Kasama ni Sen. Marcos sa pamamahagi ang mga opisyales ng CTU at mga opisyales at kawani ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 7.