NILINAW ni Sen. Robinhood Padilla na nananatiling magkaibigan sila ni Sen. Francis Tolentino.
Bilang patunay pa nga ng pagiging magkaibigan pa rin ng dalawa ang magkasamang pagdalo sa Luzon Leg ng ROTC Games nitong Sabado, Hulyo 28.
Tugon ito ng senador sa mga kumakalat aniya sa diyaryo o social media kung saan mistulang pinag-aaway silang dalawa.
Maaaring pinagmulan sa isyung ito nang pinagbibitiw ni Padilla si Tolentino bilang miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ilang araw matapos manumpa ito bilang bagong pangulo.
Sa paliwanag ni Padilla, makakatulong ang pagbitiw ni Tolentino upang ipamalas ang pagiging independente ng partido.
Ito ay para matutukan na rin ni Tolentino ani Padilla ang mabigat na dagdag tungkulin bilang bagong Senate Majority Leader.
Sa kasalukuyan, si Tolentino ay Vice President for Luzon ng PDP.