BILANG bahagi sa naunang pagdiriwang sa ika-56 na kaarawan ni Senator Bong Revilla Jr. ay pinangunahan ng senador ang isang bloodletting activity sa Cavite.
Sa Bacoor, Cavite maagang tinungo ng mga miyembro ng kapulisan at kasundaluhan ang Strike Revilla Gym, hindi para manghuli ng mga kriminal kundi makiisa sa isang bloodletting activity.
Ang aktibidad ay pinangunahan mismo ni Sen. Revilla na nakatakdang magdiwang ng kanyang ika-56 na kaarawan sa Setyembre 25.
Kasama ng senador ay ang kanyang maybahay, na si Congresswoman Lani Mercado-Revilla.
“Tatlong hospitals po ang aalayan natin ng dugo sa araw na ito. Alam naman po nating lahat na ang pag-aalay ng dugo ay isang noble cause. Ito po ay… Nagbabahagi kayo ng inyong buhay sa ibang taong nangangailangan. Alam naman po natin na if you donate blood ay nakakatulong po ito sa inyong kalusugan. Dahil importanteng importante po sa ating lahat ang iron na andun po sating dugo. Pag defficient po kayo sa iron, mahirap. Pero pag over naman kayo sa iron, jan po nagkakaproblema sa sakit. So importanteng importante po talaga na magbahagi tayo ng ating dugo,” ani Congw. Lani Marcado-Revilla, Representative, 2nd District of Cavite.
Paliwanag naman ni Sen. Revilla, kada taon tuwing birthday niya ay nakagawian na niyang mag bloodletting activity upang makatulong na rin sa mga kababayang nangangailangan ng dugo.
“Napakahalaga dahil unang-una maraming nangangailangan ng dugo ngayon. Dugo ay buhay yan eh. Buhay ang dinudugtong jan eh. Ngayon ay nagpapasalamat tayo sa mga volunteers na nag participate dito para magbigay ng dugo nila. Maraming buhay ang madudugtungan,” ayon kay Sen. Revilla.
Bukod sa pagdalo sa pagbubukas ng bloodletting na inaasahang anim na araw pang magpapatuloy ay nagdonate na rin ng kanyang dugo ang senador, ito ay sa kabila sa pinagdaraanan niyang issues sa kalusugan.
“Well at least yung sa health ko ay naayos na yung dapat ayusin. Unang-una yung sa cataract ng mata ko. Okay na sya. 20/20 vision. Di na ako kailangang “mababasa ko ba yan, ang liliit”. Actually sabi nga ng doktor its not 20/20, its 20/15. So mas maliit pa. Sabi nga -ray vision eh,” dagdag pa ni Sen. Revilla.
Bukod sa halos isang linggong bloodletting activity ay ibinahagi ni Sen. Revilla na mamamahagi siya ng papremyo para makatulong sa hanapbuhay ng ating mga kababayan.
“September 25 ay mayroon tayong mga giveaway, sa birthday ko mismo. Ito ay ang Alias Pogi Giveaway, dati ay Agimat ngayon ay Alias Pogi para syempre mas gusto na i-share yung blessings natin. Itong mga kaibigan natin nagdodonate sila. Mayroong Suzuki S-Presso na sasakyang maliit. Siyempre pantulong sa hanapbuhay,” wika pa ng senador.
Para manalo sa mga papremyong ipamimigay ng senador ay sundan ang detalye nito sa kanyang social media accounts sa Facebook, YouTube, at Instagram.