IHINAIN ni Sen. Robinhood Padilla ang resolusyon na nananawagan ng Constitutional Convention (Con-Con) para amyendahan ang ilang probisyon ng 1987 Constitution, para pawiin ang takot na ito ay para sa kapakanan ng iilan lamang.
Sa Resolution of Both Houses 8, iginiit ni Padilla – na tagapangulo ng Senate committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes – na ang Con-Con ay “participatory and democratic” na paraan para rebisahin ang Saligang Batas.
Sa resolusyon ni Padilla, ang Senado at Kamara ay susulong ng Con-Con sa pamamagitan ng 2/3 na boto. Magkahiwalay na boboto ang dalawang kapulungan.
Nanawagan din ang resolusyon sa Kongreso na gumawa ng batas na magdedetalye sa pagdedetalye ng Con-Con.
Ani Padilla, ang rebisyon ng Saligang Batas sa Con-Con ay “participatory” dahil ang mga delegado ay halal ng taumbayan.