Sen. Villar sinusulong ang rabies-free community

Sen. Villar sinusulong ang rabies-free community

UPANG tumulong na puksain ang rabies sa komunidad, nagsasagawa si Sen. Cynthia A. Villar ng “Libreng Kapon at Ligate” para sa mga aso at pusa sa siyudad ng Las Piñas City at Bacoor.

Sa ika-apat na leg ng proyektong ito, muling inihayag ni Villar na endemic ang rabies sa Pilipinas.

Sinabi niya na mahigit 300 ang namatay sa rabies sa nakaraang taon.

Sa nasabing event lumahok ang 150 pet parents para sa mga aso at pusa sa siyudad ng Las Piñas at Bacoor bago natapos ang buwan ng Marso.

Pinangunahan ng senador kasama ang Villar Foundation at Vets Love Nature ang one-day activity na idinaos sa Villar Foundation Farm School.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble