Senado, naglabas ng subpoena vs 2 suspek sa pagkawala ng Batangas beauty queen

Senado, naglabas ng subpoena vs 2 suspek sa pagkawala ng Batangas beauty queen

NAGLABAS ng subpoena ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs laban sa dalawang suspek ng nawalang Batangas beauty queen na si Catherine Camilon.

Ang dalawang tinutukoy na suspek ay sina Police Major Allan de Castro na sinasabing may relasyon kay Camilon at kay Jeffrey Magpantay, ang driver-bodyguard ni De Castro.

Sa isinagawang hearing ngayong araw, Pebrero 27, 2024 hinggil sa isyu, sinabi ni De Castro na hindi ito makadadalo dahil sa isyung pangkalusugan ng kaniyang buntis na asawa.

Si Magpantay ay hindi rin nakadalo dahil nagkasakit at ito na ang ugat kung bakit inilabas ang subpoena.

Samantala, sinabi ni Sen. Bato dela Rosa na maaaring makatanggap ng warrant of arrest ang dalawa mula sa Senado kung hindi nito papansinin ang subpoena na inilabas laban sa kanila.

October 16, 2023 nang mawala si Camilon at si De Castro at Magpantay ay nahaharap sa reklamong kidnapping at illegal detention dahil dito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble