Senado ng Amerika, iimbestigahan ang “weaponization” ng DOJ at FBI laban sa simbahan at pro-life movements

Senado ng Amerika, iimbestigahan ang “weaponization” ng DOJ at FBI laban sa simbahan at pro-life movements

SA pagdinig kamakailan para sa kumpirmasyon ni Pam Bondi bilang Attorney General, ng USA, binigyang-diin ni Senador Josh Hawley ang mga alegasyon ng “weaponization” ng Department of Justice (DOJ) at Federal Bureau of Investigation (FBI) laban sa mga simbahan at pro-life movements.

Tinanong ni Hawley si Bondi kung kanya bang ipatitigil at iimbestigahan ang paglabas ng mga memorandum mula sa FBI na diumano’y nagpapakita ng mga operasyon laban sa mga simbahan kung siya ay magkumpirma bilang Attorney General.

Dagdag pa ni Hawley ay kanila ring paiimbestigahan sa US Senate ang mga ginawa ng FBI na armadong paglusob sa mga indibidwal at simbahan ng madaling araw upang sila’y arestuhin ngunit ang mga kaso ay napawalang sala.

Ang usaping ito ay nagbigay-daan sa mas malawak na talakayan tungkol sa balanseng paggamit ng batas at proteksiyon sa mga karapatang pantao sa ilalim ng Saligang Batas sa buong Amerika.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter