INIHAIN ni Senator Risa Hontiveros ang Senate Resolution No. 453 na layong parangalan at kilalanin ang aktres na si Dolly de Leon.
Kasunod ito sa pagkakanomina ni De Leon sa Golden Globe Awards at British Film Academy Awards para sa palabas na “Triangle of Sadness”.
Kung sisilipin pa, si Dolly pa lang ang kauna-unahang Pilipino na napasama sa nominasyon ng dalawang award-giving body.
Maliban sa dalawang nominasyon, nanalo na si Dolly bilang Best Supporting Actress sa Guldbagge Awards sa Sweden para sa nabanggit na palabas.
Sa “Triangle of Sadness”, gumanap si Dolly bilang Abigail, isang toilet manager na nagtatrabaho sa isang luxury cruise ship. Senate resolution