23-M national IDs, naideliver na –PSA

23-M national IDs, naideliver na –PSA

PUMALO na sa 30.3 milyong physical version ng Philippine Identification System (PhilSys) identification cards ang nagawa na ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa public briefing, sinabi ni PhilSys Registry Division Officer-in-Charge Marc Laurente na nasa 23 milyong national IDs na ang naideliver sa pamamagitan ng Philippine Postal Corporation (PhlPost).

Habang nasa 19 milyong ePhilIDs na aniya ang kanilang inirelease.

Ayon kay Laurente, nasa 76.2 milyong Filipino na ang nakakumpleto ng step 2 ng registration.

Target naman ng PSA na maideliver ang nasa 92 milyong national IDs ngayong 2023.

Follow SMNI NEWS in Twitter