HINIHIKAYAT ni Senator Risa Hontiveros ang Department of National Defense (DND) na damihan at bilisan na ng ahensya ang pagtatayo ng mga pasilidad sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ay bilang pagdiriwang ng 5th anniversary ng pagkapanalo ng Pilipinas noong 2016 sa The Hague kaugnay sa WPS bilang bahagi ng bansa.
Maliban sa pagtatayo ng pasilidad, hinihikayat din ni Senator Hontiveros na payagang magsagawa ng iba pang aktibidad o special projects para ipakitang parte nga ng Pilipinas.
Kasabay nito, muling ipinanawagan ni Hontiveros ang opisyal na pagdiriwang ng National West Philippine Sea Victory Day kada Hulyo a-dose ng taon sa ilalim ng Senate Resolution 762.