Senatorial campaign tracker!
53 araw bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t lalong umiinit ang labanan sa pangangampanya.
Walang tigil ang mga kandidato sa pagsuyod sa iba’t ibang lugar, sinisikap makuha ang tiwala at boto ng mga Pilipino.
Lahat ng estratehiya, gamit na gamit—mula sa personal na pagbisita hanggang sa malalaking rally—para matiyak ang kanilang panalo.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa kanilang kampanya sa iba’t ibang panig ng bansa.
Simulan natin sa Pangasinan kung saan patuloy na nag-iikot si Sen. Bong Revilla, Jr. Nakiisa ito sa Agri-Trade and Tourism Expo 2025 sa Alaminos City.
Dumalo naman sa pagtitipon ng Liga ng mga Barangay Region XII Chapter sa SMX Convention Center sa Pasay City si Sen. Francis Tolentino.
Nakiisa naman sa 21st Provincial Congress si Kiko Pangilinan.
Matapos nito, nagtungo si Pangilinan sa Lucena City para sa volunteer campaign kick-off nila ni Bam Aquino.
Bumisita naman sa Nueva Ecija si Gringo Honasan.
Nasa Batangas naman si Ariel Querubin kung saan naging panauhin ito sa isang forum.
Sa kaniyang social media, binalikan ni Raul Lambino ang mga nagawa ng Duterte administration mula noong 2016 hanggang 2022.
Samantala, pinahagingan naman ni Atty. Jimmy Bondoc sa kanyang social media post ang “group effort.”
Si Angelo de Alban ay napanayam sa isang social media channel.
Samantala, pinangunahan naman ni Sen. Imee Marcos ang pagdinig ng komite sa Senado hinggil sa iligal na pag-aresto at pagsuko ng pamahalaan kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ICC. (Senate hearing)
Present din sa naturang pagdinig si Sen. Bong Go, kung saan naglabas ito ng kanyang sentimyento sa ginawa nila sa dating Pangulong Duterte.