Senatorial campaign tracker
48 araw na lang bago ang inaabangang halalan sa Mayo 12, kaya’t mas pinaiigting ng mga kandidato ang kanilang pangangampanya!
Walang tigil ang kanilang pag-iikot—mula sa malalayong baryo hanggang sa mataong lungsod, sinisikap nilang maabot ang bawat Pilipino upang iparating ang kanilang mga plataporma at adhikain.
Sa bawat kaway, pakikipagkamay, at pagharap sa taumbayan, hangad nilang makuha ang tiwala at suporta ng publiko.
Lahat ng estratehiya, ginagamit—mula sa matinding door-to-door campaigns hanggang sa malalaking rally—upang tiyakin na sila ang pipiliin sa darating na halalan.
Narito ang pinakabagong kaganapan sa patuloy na pag-iikot ng mga kandidato sa iba’t ibang panig ng bansa:
Parañaque City – Panauhin si Sen. Bong Go sa Abraham Senior Citizens Association General Assembly sa Parañaque Sports Complex.
Valenzuela City – Nag-motorcade si Sen. Bong Revilla, Jr.
Manila City – Nag-ikot sa lungsod si Willie Revillame.
Agusan del Sur – Nangampanya si Sen. Bato Dela Rosa.
Online – Tinalakay ni Atty. Raul Lambino sa kanyang social media ang ilang isyu sa bansa.
Radio interview – Sumalang si Eric Martinez sa isang panayam.
Valenzuela City – Bumisita nitong Lunes si Kiko Pangilinan.
Malabon City – Nangampanya si Rodante Marcoleta.
San Rafael, Bulacan – Nakausap ni Bam Aquino ang mga chicharon vendors sa bayan.
Cagayan de Oro City – Nakiisa si Jimmy Bondoc sa panawagang maibalik sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
At ‘yan ang pinakahuling update sa nagpapatuloy na campaign period para sa darating na halalan sa Mayo.
Patuloy nating bantayan ang bawat galaw, plataporma, at paninindigan ng mga kandidato para mas maging matalino at mapanuri tayo sa pagpili ng ating susunod na mga senador.
Para sa mas marami pang updates, manatiling nakatutok dito lamang sa SMNI News.