INILUNSAD kaninang umaga ang Serbisyo Caravan para sa mga balik-bayang overseas Filipino workers (OFW) sa Camp Crame.
Kabilang sa mga aktibidad sa naturang caravan ay job fair, legal assistance clinic, medical consultation, psychosocial support, at lecture sa cybercrime.
Mayroon ding helpdesk ang Philippine National Police (PNP) para sa mga karaniwang problemang kinakaharap ng mga OFW gaya ng pisikal na pang-aabuso sa mga kababaihan, pag-aayos ng motor vehicle clearance at pagproseso ng license to own and possess firearms.
Ang programang Serbisyo para sa OFW ay itinaguyod ng grupong United Filipino Global sa pakikipagtulungan ng Department of Migrant Workers (DMW), PNP, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Public Employment Service Office (PESO) ng Quezon City Government.