Seventeen, goodwill ambassadors na ng UNESCO

Seventeen, goodwill ambassadors na ng UNESCO

ITINALAGA bilang UNESCO Goodwill Ambassadors for Youth ang K-pop group na Seventeen!

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ng ganitong karangalan mula sa UNESCO ang isang K-pop artist.

Mukhang deserve naman din ng grupo ang pagiging goodwill ambassadors dahil nakailang ulit na rin itong nag-donate para sa nabanggit na United Nations agency.

Marami na rin itong global youth engagement simula pa noong mag-debut ang grupo taong 2015.

Noong nakaraang taon nang dumalo rin ang grupo sa Appointment Ceremony for Youth Ambassadors sa UNESCO headquarters.

Samantala, ilang tulog na lang at mapakikinggan na ang kauna-unahang single album ng panibagong sub-unit ng Seventeen na binubuo nina Jeonghan at Wonwoo.

Dahil anim na araw na lang at sa Hunyo 17, 6 pm Korea standard time na ang release ng 3-track single album!

Nitong Hunyo 11 nga ay released na ang song highlights para sa kantang “Last Night” na duet ng Dalawa; “Beautiful Monster” na solo ni Jeonghan; at “Left Over” na solo ni Wonwoo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble