Silver medal, nakuha ni Eumir Marcial sa men’s 80-kg division sa 19th Asian Games

Silver medal, nakuha ni Eumir Marcial sa men’s 80-kg division sa 19th Asian Games

NAKUHA ni Pinoy boxer Eumir Marcial ang pilak na medalya mula sa men’s 80-kilogram division.

Ang Chinese na kalaban nito ang nagwagi at nakakuha ng gintong medalya mula sa nagpapatuloy na 19th Asian Games.

Naging dikit ang laban lalo na’t dominado ni Marcial ang unang round.

Sa pangalawang round na simulang nakita ang bentahe ng Chinese at bagama’t mistulang pantay ang performance sa third round ay ibinigay na ng mga judge sa Chinese ang panalo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter