SINIMULAN na ngayong umaga ang simulation exercise ng Department of Health (DOH) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kung saan unang lalapag ang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Health Under Secretary Ma. Rosario Vergeire magkakaiba ang gagawing proseso sa bawat uri ng bakuna.
Halimbawa aniya para sa bakuna na nangangailangan ng 2-8 degrees na temperatura pagdating dito sa paliparan ay agad itong idi- deretso sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para sa storage.
Itoy upang matiyak na walang masasayang na COVID-19 vaccines.
Pagdating naman sa RITM, dadalhin naman ang mga naturang bakuna sa mga regional warehouse at sila naman ang mamamahagi sa mga local government unit.
Ayon kay Vergeire ganito din ang magiging sistema para sa bakuna na kailangan ng negative 20 na temperature.
Target naman ng DOH na 20 minutes lamang ang biyahe mula NAIA patungong RITM warehouse para sa bakuna na nangangailangan ng ultra low temperature.
Una na ring sinabi ni Vergeire na masyadong sensitibo ang mga bakuna na may ultra low temperature.
Pinangunahan sa NAIA Terminal 2 ang naturang simulation exercise nina Health Secretary Francisco Duque III, Sec. Vince Dizon, Sec. Carlito Galvez, Gm Jojo Garcia ,DOTr Sec. Arthur Tugade, PNP Chief PGen. Debold Sinas.