Sinaunang tahanan ng mga pinuno ng Rome noong Imperial Period, bukas na muli matapos ang 50 taon

Sinaunang tahanan ng mga pinuno ng Rome noong Imperial Period, bukas na muli matapos ang 50 taon

BUKAS na muli ngayon sa publiko ang isang Ancient Roman Imperial Palazzo sa Palatine Hill, Rome, Italy matapos ang halos 50 taon na pagsasara nito para sa rehabilitasyon.

Ang tinutukoy na Roman Imperial Palazzo ay ang 2,000 taong Domus Tiberiana na tahanan ng mga pinuno ng Rome noong Imperial Period.

Maliban sa bahay ng Emperor ay matatagpuan din sa Domus Tiberiana ang iba’t ibang mga hardin, worship places, tirahan ng Praetorian Guard na siyang protector ng pinuno, at ang service district ng mga manggagawa para sa Roman Forum.

Naka-display rin dito ang daan-daang artifacts, statues, decorations, at ancient coins.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter