NANINIWALA si 4Ps Party-list Rep. at House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan na may cartel sa likod ng sugar importation.
Sa panayam ng SMNI News, aniya, posibleng hindi isang tao lang ang sangkot sa nangyayaring anomalya kaugnay sa suplay ng asukal.
Naibahagi naman ni Libanan na hindi lang importasyon ang solusyon sa kakulangan ng suplay ng asukal.
Marami aniyang lupa sa bansa na hindi ginagamit at kung tutuusin, gaya ng damo, kahit saan ay maaaring magtanim ng sugarcanes o tubo.
Importante lang ani Libanan na magkaroon ng sugar mills.
Samantala, kailangan nang magtalaga ng regular na kalihim para sa Department of Agriculture (DA) ayon sa kongresista.
Ito’y hindi dahil sa hindi kaya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na pamahalaanan ito kundi para mas mabigyan ng pokus dahil marami na ring inaatupag ang isang Chief Executive ng bansa.