Single ticketing system, sisimulan na ng Caloocan LGU

Single ticketing system, sisimulan na ng Caloocan LGU

NAKATAKDA nang ipatupad ng Caloocan City Police Station ang paggamit ng single ticketing device sa mga checkpoint.

Ito’y matapos personal na natanggap ni Caloocan City Police Chief Col. Ruben Lacuesta ang 10 Single Ticketing Device na gagamitin ng mga pulis sa mga motoristang lalabag sa mga batas trapiko.

Nabatid na ang Caloocan LGU ang kauna-unahang lungsod sa buong Metro Manila na nabigyan na ng single ticketing device para sa mga pulis.

Naniniwala naman si Mayor Along Malapitan na malaking bagay ang pagtutulungan ng pulisya at pamahalaang lungsod hindi lamang sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa Caloocan, kundi pati na rin sa pagtitiyak na nasusunod nang maayos ang mga batas trapiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble