SMNI Anchors, Reporters dumulog sa Korte Suprema kaugnay ng indefinite suspension ng NTC

SMNI Anchors, Reporters dumulog sa Korte Suprema kaugnay ng indefinite suspension ng NTC

PAGKATAPOS ang paghahain ng apela ng SMNI sa National Telecommunications Commission (NTC), Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) at Court of Appeals (CA) kasunod ng tinanggap nitong suspension order, mismong mga mamahayag ng network na ang dumulog ngayon ay sa Korte Suprema.

Sabay-sabay na nagtungo sa Korte Suprema, Martes ng umaga ang Anchors ng SMNI gaya ni dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, iba pang mga on-air personalities at reporters para personal na kwestiyunin sa korte ang ipinataw na 30-day preventive suspension at ang indefinite cease and desist order ng NTC laban sa network.

Naghain ang mga ito ng Petition for Certiorari and Prohibition dahil sa Grave Abuse of Disrection sa panig ng NTC.

Matatandaang ibinase lang ng NTC ang suspension sa naging pagdinig ng Kamara.

Napag-alaman din ng mga petioner na ang NTC ang tumayong complainant, judge at tagapataw ng parusa sa network.

Ayon kay Atty. Roque, batay sa rules ng korte walang karapatan ang NTC na irevoke o tanggalan ng operasyon o prankisa.

Korte lamang ang makakagawa nito o kaya ay sa pamamagitan ng pagpasa ng batas na nagpapawalang bisa sa prangkisa ng kumpanya.

Umapela din ang mga mamahayag ng network sa kataas-taasang hukuman na magpataw ng Temporary Restraining Order (TRO) at Permanent Injunction laban sa suspension order ng NTC.

Naniniwala ang mga ito na ang kautusan ng NTC laban sa SMNI ay pagsupil sa press freedom at freedom of expression.

Bukod dito, nadamay na ang kabuhayan ng mga mamahayag dahil sa wala pang katiyakan kung kailan maibabalik ang operasyon ng network sa telebisyon at radyo dahil sa indefinite cease and desist order ng NTC na ipinataw noong January 22.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble