KINILALA ang Sonshine Media Network International (SMNI) bilang Best Integrated Broadcasting & Media Company ng Golden Globe Annual Awards nitong Biyernes ng gabi sa Manila Hotel.
Iginawad din sa SMNI ang Hall of Fame Award dahil sa tatlong taong sunod-sunod na pagtanggap ng pagkilala.