SONA 2023: Marcos admin’s infrastructure projects

SONA 2023: Marcos admin’s infrastructure projects

GOLDEN age of infrastructure sa ilalim ng Build, Build, Build program ng Duterte administration ang sinasabing isa sa ipinagmamalaking legasiya na iniwan nito sa bansa.

Bagay namang ipinangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi lang basta ipagpapatuloy, kundi mas palalawakin pa ng kaniyang administrasyon.

Sa kaniyang unang taon sa panunungkulan, paano nga ba ito ipinagpatuloy ng Marcos administration?

“The infrastructure program of the Duterte administration must not only continue but wherever possible, be expanded. We must keep the momentum and aspire to Build, Better, More,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang 197 high-impact na mga proyektong pang-imprastraktura, kasama na ditong ang tatlong bagong proyekto na idinagdag noong Hulyo 19.

126 sa mga proyekto ay inisyatibo ng kasalukuyang Marcos administration.

Samantala, 71 proyekto naman ang nasimulan na noong patapos na Duterte administration.

Ang ‘Build Better More’ program ay nagkakahalagang humigit kumulang P9-T o $170-B.

Inaasahang lilikha ito ng mas maraming trabaho at mag-iimbita ng mga maraming pamumuhunan na sa kalaunan aniya ay hahantong sa kaniyang pangako ng isang “Bagong Pilipinas”.

Isang mahalagang detalye ng kaibahan ng ‘Build Better More’ program ng Marcos administration ay ang pagtutok sa Railway projects.

Sa kaniyang unang State of the Nation Address (SONA), partikular na inatasan ni Pangulong Marcos ang Department of Transportation (DOTr).   

“My order to the Department of Transportation or DOTr is really very simple: Full speed ahead!”

“This administration is committed to finish building the current portfolio of investments: Approved Railway projects such as the North-South Commuter Railway System, the 33-kilometer Metro Manila Subway project, the 12-kilometer LRT-1 Cavite extension, the 23-kilometer MRT-7, and the common station that will connect LRT-1, MRT-3 and MRT-7,” dagdag ni Marcos.

Sa mga nabanggit na proyekto, ilan na rito ang sinimulan ng Marcos administration.

Isa na rito ang pagpapatuloy ng North-South Commuter Railway System (NSCR) na inaasahang makukumpleto sa 2029.

Inaasahang mababawasan ang oras ng paglalakbay mula Clark, Pampanga hanggang Calamba, Laguna hanggang dalawang oras na lang mula sa karaniwang apat na oras.

“Likewise I urge everyone involved in the project to spare no effort to complete this monumental task for the benefit of generations to come. To our citizens I also seek your continued patience and understanding as you encounter interruptions from the constructions that we are under taking,” saad ni Pangulong Marcos.

Nagsimula na rin ang konstruksiyon ng Metro Manila Subway project matapos ilunsad ang tunnel boring machine nito noong Enero.

“Let the launching of this tunnel boring machine become a testament to this administration’s commitment to continue the projects of the previous administration and — more importantly — Build Better More,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ayon sa DOTr, ang Metro Manila Subway project ay inaasahang magiging fully operational sa pagtatapos ng 2029.

Sa labas ng Metro Manila, pangako rin ni Pangulong Marcos sa kaniyang unang SONA ang pagtatayo ng iba’t ibang Railway projects kabilang na ang 102-kilometer Mindanao Railway project, Panay Railway project, Cebu Railway System, Cebu Bus Rapid Transit, Davao High Priority Bus System, Ilocos Norte Transportation Hub, at El Nido Transport Terminal.

Sa mga daan at tulay naman, ang Central Luzon Link Expressway (CLLEX) na nagsimula sa Duterte admin ay inaasahang matatapos na ngayong buwan ng Hulyo ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ang CLLEX ay isang 30-kilometrong highway na nagdudugtong sa Tarlac at Cabanatuan sa Nueva Ecija na binabawasan ang oras ng paglalakbay mula 70 minuto hanggang 20 minuto.

Pinasinayaan ni Pangulong Marcos noong Marso ang unang seksiyon ng NLEX-SLEX connector.

Ito’y isang 5-kilometrong elevated expressway na inaasahang magpapababa sa oras ng paglalakbay papunta at mula sa Caloocan at Manila sa limang minuto lamang na nag-aambag sa mas madaling paggalaw ng mga kargamento at mga kalakal, partikular ang mga manggagaling sa port ng Maynila.

“Under the ‘Build, Better, More’ program, we will continue to push for the interconnectivity of major roads and expressways, as well as build even more roads and bridges in strategic places within our archipelago,” ani Pangulong Marcos.

Sa parehong buwan ay nakiisa si Pangulong Marcos sa DPWH sa inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road (SPCR) project sa lalawigan ng Northern Samar.

Ang SPCR ay isang 11.607 kilometrong kalsada na may tatlong tatlong component na tulay na nagsisimula sa Simora Junction sa munisipyo ng Laoang patungo sa Brgy. Mabaras sa munisipyo ng Palapag.

“The completion of this infrastructure links … will reach everyone in the island,” ayon kay Pangulong Marcos.

Pinasinayaan din ng Pangulo, una at pinakamahabang bahagi ng P46.8-B sa Davao City Coastal Bypass Road project na kinabibilangan ng pagtatayo ng 45.5-kilometrong kalsada sa pinakamahabang mountain tunnel sa bansa.

Kapag nakumpleto na ang buong bypass road ay mababawasan ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng distrito ng Toril sa Davao City at Panabo City sa Davao del Norte.

Mula sa dalawang oras ay inaasahan na nasa 49 na minuto na lamang ito.

“This road project also features walkways,…Add to that, the fact that this will also form as a protection against storm surges. This project of the Department of Public Works and Highways is indeed anchored in well-thought-out master plans,” ani Pangulong Marcos .

Pinangunahan din ng Pangulo ang groundbreaking ceremony para sa 3.98-kilometrong Samal Island-Davao City Connector (SIDC) na inaasahang magsisilbi nang hindi bababa sa 25,000 sasakyan araw-araw sa 2027.

Kapag nakumpleto na inaasahan na limang minuto na lamang ang paglalakbay mula Davao City hanggang Samal mula sa humigit-kumulang 30 minuto sa pamamagitan ng ferry.

“This bridge will surely was the convenience of travel and transport … of people and of goods,” aniya.

Isa sa pinaka-ambisyosong infrastructure project ng pamahalaan ngayon ay marahil ang Bataan-Cavite Interlink Bridge.

Ang 32-kilometrong Bataan-Cavite Interlink Bridge Project ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa ibabaw ng Manila Bay.

Ang simula ay matatagpuan sa Brgy. Alas-asin sa Mariveles, Bataan, tatawid sa Manila Bay at magtatapos naman sa Brgy. Timalan Concepcion sa Naic, Cavite.

Kapag natapos na ang proyekto ang limang oras na biyahe mula Bataan papuntang Cavite ay magiging 45 minuto na lamang.

Bukod sa maraming isla ang Pilipinas na kailangan pagdugtungin ay batid din ni Pangulong Marcos ang lumalalang problema sa Digital Divide sa bansa o ang lumalawak na agwat sa pagitan ng mga Pilipino na may access sa internet at sa mga walang access dito.       

 “As the world moves into rapid digitalization, the digital divide will become more pronounced. The depth and breadth at which these technologies will be transformative in our lives is fully expected.”

 “This will open new opportunities for the creation of wealth but will also likely create inequalities.  Hence, universal connectivity will be a vital component in order to ensure that no citizen is left behind,” dagdag ng Pangulo.

Hiniling ni Pangulong Marcos sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na kontrahin ito sa pamamagitan ng proyektong ‘Broad Band ng Masa’ — o ang National Broadband project kung saan aabutin ang mga liblib na lugar.

 “This truly aligns with the Marcos administration’s strong support that connectivity, and ultimately digital transformation is a key agenda to Philippine Development in the next 6 years that is why we call this the Broadband ng Masa Program because this is a vital component of the Philippine Development agenda, he would put his name on the line on this project because that is close to his heart,” ayon kay Sec. Ivan John Uy, DICT.

Kaugnay rito ay naniniwala si Pangulong Marcos na sa pamamagitan ng private-public partnership ay mas mataming oportunidad ang mabubuksan na siya ring magbibigay daan para sa pagkamit ng Digital Philippines.

“To achieve this end, we are committed to realize the vision of a Digital Philippines. We will achieve this by enhancing the country’s digital infrastructure, improving the regulatory framework for innovation, ensuring cyber security, and developing the country’s digital workforce, among others. The government will also facilitate the swift passage of the e-Governance and e-Government Bills,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Kalakip sa layunin ng Build Better More program ng pamahalaan ay ang magkaroon ng mura, sapat, at maaasahang suplay ng kuryente.

Naniniwala si Pangulong Marcos na makakamit ang 100% electrification ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatayo ng iba’t ibang energy sources.

Sa buwan ng Mayo 2023 ay inagurahan ni Pangulong Marcos ang 160-megawatt windfarm sa Ilocos Norte – ang pinaka malaking windfarm sa bansa.

Ang nasabing proyekto na nagkakahalaga ng P11.4-B ay pinondohan ng Ayala Group.

Sa kaniyang EO 21, ipinunto ni G. Marcos na ang Republic Act No. 9513, o ang Renewable Energy Act of 2008 ay nag-uutos sa pamahalaan na pabilisin ang pag-explore at pagpapaunlad ng renewable energy resources tulad ng hangin, solar, hydropower, geothermal at karagatan.

“Lahat ng itong bagong teknolohiya ay titingnan natin. We continue to work in all the resources of renewable. As I mentioned solar, tinitingnan natin ‘yung water dam baka pwede pa ma-expand ang kuryente na kinukuha natin jan. tinitingnan na rin natin ang nuclear power, titiyakin natin na lahat ng ‘yan ay magiging ligtas…..Kailangan na kailangan na tayo ay naghahanap ng bagong renewable energy sources. Kailangan na patuloy ang ating pagtatayo ng mga facilities gaya nito. Dahil kailangan ngayon sa market ay clean energy,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Ngayong buwan ng Hulyo naman ay pinangunahan din ng Pangulo ang inagurasyon ng 24.9-Megawatt Lake Mainit Hydroelectric Power Plant sa Agusan del Norte.

Tinawag niya ang proyektong isang hakbang tungo sa panrehiyong seguridad ng enerhiya, na nakamit sa pamamagitan ng pinagsanib na pagsisikap ng Markham Resources at J-Power Group mula sa Pilipinas at Japan.

“Aside from producing power, it is also expected to generate socioeconomic…For the rest of Mindanao.”

 “The project is expected to help reduce carbon footprint and improve air quality as hydroelectric power produces very low or zero carbon emissions during electricity generation,” ani Pangulong Marcos.

Bilang bahagi sa kaniyang layunin na paramihin ang mga specialty hospitals sa bansa, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang briefing at site inspection ng Clark Multi-Specialty Medical Center (CMSMC) sa Clark Freeport Zone sa Pampanga kamakailan.

Sa kaniyang talumpati, nangako si Pangulong Marcos na hindi siya titigil hangga’t ang bawat Pilipino ay may access sa abot kaya at de-kalidad na healthcare services.

“I am happy that the Province of Pampanga, Region 3, will again have this add’l medical facility. It will also cater to patients not only from Region 3, but Regions 1, 2 and Metro Manila for the specialties in the heart, kidney, cancer and pediatric ailments,” dagdag ng Pangulo.

Ang proyekto na nagkakahalaga ng P10-B ay katuparan ng pangako ni Pangulong Marcos sa kaniyang unang SONA at bahagi ng Health Facility Enhancement program.

Ang mga naipakitang imprastraktura ay ilan lamang sa mga proyekto na bahagi ng Builld Better More program ng pamahalaan.

Bagama’t aminado ang Pangulong Marcos na karamihan sa mga ito ay nag-umpisa sa mga nagdaang administrasyon ay kaniyang namang ipinunto na dapat ipagpatuloy dahil sa totoo naman itong kapaki-pakinabang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter