ARESTADO ang isang South African national matapos mahulihan ng P42M halaga ng pinaghihinalaang shabu sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City nitong Sabado.
Sa ulat ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group, naaresto ang 31 taong dayuhan matapos marekober ang 6.2 kilos ng ilegal na droga sa kaniyang bagahe.
Kinumpiska rin ng awtoridad ang ilan pang bagahe nito, passport, cellphone, at ilan pang travel document nito.
Mahaharap naman ang suspek sa paglabag sa Section 4, Article 2 sa Republic Act No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.