MAKIKIPAG-USAP ang Metro Manila Council (MMC) sa mga telecommunication companies at electric power providers para matugunan na ang tinatawag na “spaghetti wires” sa Metro Manila.
Kasunod ito sa mga insidente kung saan natutumba ang mga poste dahil sa magulo na mga wire at kable.
Ang “spaghetti wires” ay isa ring dahilan para magkaroon ng isang sunog.
Noong February 2021 ay nauna nang nakipagkasundo ang San Juan sa mga utility company hinggil sa regulasyon ng mga wire at kable sa lungsod.