MALALIM ang pahayag ni Rep. Pantaleon Alvarez sa Pandesal Forum ukol sa umano’y P241B halaga ng insertions sa 2025 budget.
Ibinunyag niya na hanggang ngayon ay hindi pa binigyan ng kopya ng enrolled bill ng Kamara ang mga nasabing opisyal.
Kasama ni Alvarez sa pagsasampa ng kaso ang mga abogadong senatorial aspirants na sina Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Raul Lambino, Atty. Ferdinand Topacio, at ang grupong Citizens Crime Watch.
Kinuwestiyon din ni Lambino ang naunang pahayag ni House Committee on Appropriations Acting Chairperson at Marikina Second District Rep. Stella Quimbo na ang Technical Working Group ang umano’y gumawa ng insertions sa blank items ng kontrobersyal na Bicam Report ng 2025 National Budget.
Matatandaan na ibinulgar ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 28 blank items sa Bicam Report, ngunit mariing itinanggi ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang alegasyon dahil wala naman raw blank items sa General Appropriations Act (GAA).
Nilinaw ng kampo ni dating Pangulong Duterte na hindi ang GAA ang may blank items, kundi ang Bicam Report ng Kongreso para sa P6.326T National Budget ngayong taon.