SSS at BI, nagkasundo sa pagbibigay benepisyo sa job order at contractual na mga manggagawa

SSS at BI, nagkasundo sa pagbibigay benepisyo sa job order at contractual na mga manggagawa

NILAGDAAN ng Social Security System (SSS) at Bureau of Immigration (BI) ang isang kasunduan na nagbibigay benepisyo sa mga manggagawang nasa ilalim ng job order at contractual na nagtatrabaho sa pamahalaan.

Kabilang na rito ang nasa 800 workers na nagtatrabaho sa Immigration Regulatory Body.

Sa nasabing kasunduan, ang nasabing mga tauhan ng BI ay ilalagay na self-employed members ng SSS at makatatanggap ng SSS coverage sa ilalim ng kasama sa coverage program.

Nakasaad din sa kasunduan na ang BI ay magiging coverage and collection partner ng SSS at pinahihintulutan din silang mangolekta at mag-remit ng monthly contributions ng mga manggagawa sa pamamagitan ng salary-deduction scheme.

Ayon kay SSS president and chief executive officer Rolando Ledesma Macasaet, layon ng SSS na mabigyan ng magandang kinabukasan ang lahat ng job order at contract service workers sa mga ahensiya ng gobyerno sa buong bansa.

Paliwanag nito, lahat ng manggagawa bilang self-employed SSS members’ ay makatatanggap ng social security benefits tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, funeral at death benefits.

Maliban dito, makatatanggap din sila ng iba pang karagdagang benepisyo mula sa Employees’ Compensation Program (ECP) para sa work-related contingencies.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter