Suporta ng lahat ng sektor para sa BSKE, hiniling ng Chief PNP

Suporta ng lahat ng sektor para sa BSKE, hiniling ng Chief PNP

NANAWAGAN ng pagtutulungan si PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. sa lahat ng sektor ng lipunan kabilang ang gobyerno, civil society, academe, faith-based group, at pribadong sektor.

Ito ay upang magtagumpay ang nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa bansa.

Ayon kay Acorda, ang BSKE ay ang pundasyon ng demokratikong estruktura ng bansa.

Kasabay rito, hinimok ng Chief PNP ang lahat na magpakita ng “sense of duty, integrity, at fairness” sa darating na halalan.

Kumpiyansa naman si Acorda na sa suporta ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Education (DepEd), Commission on Elections (COMELEC), Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Transportation (DOTr), Department of Information and Communications Technology (DICT), Civil Society Organizations, faith-based groups, at iba pang partner agencies ay matagumpay na maitataguyod ang demokrasya.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter