Suspensyon ng MTRCB sa programa ni FPRRD sa SMNI News, malaking paglabag sa malayang pamamahayag

Suspensyon ng MTRCB sa programa ni FPRRD sa SMNI News, malaking paglabag sa malayang pamamahayag

MALAKING paglabag sa malayang pamamahayag.

Ito ang komento ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay parin sa 14-day suspension na ipinataw ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa kanyang programang “Gikan sa Masa, para sa Masa” sa SMNI News simula noong December 18, 2023.

Matatandaang sa pahayag ng MTRCB, ang death threats na binitawan ni FPRRD sa kanyang programa sa SMNI News ang dahilan kung bakit ito nasuspinde.

Kasabay ring sinuspinde sa programa ni FPRRD ang ang “Laban Kasama ang Bayan” ng SMNI News na tumatalakay sa mga masamang gawain ng CPP-NPA-NDF.

Dahil naman ito sa umanoy “unverified” reporting subalit kung titingnan ang episode na tinutukoy, makikitang nagtatanong lang ang host nito na si Jeffrey “Ka Eric” Celiz kung totoo nga bang umabot ng 1.8 billion pesos ang travel expenses ni House Speaker Martin Romualdez.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter