PINAG-USAPAN na ang tungkol sa fund capitalization at kinilala na ang potensiyal na mga sektor para sa long-term commercial, economic, at social development value.
Ito ang nilalaman ng naging unang board meeting ng mga bumubuo ng Maharlika Investment Corporation (MIC) nitong Enero 3, 2024.
Dinaluhan ang unang meeting nina MIC President at CEO Rafael Consing, Jr. at Finance Secretary Benjamin Diokno na nagsilbing chairperson ex officio.
Layunin ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na siyang mangangasiwa sa Maharlika Investment Fund ang makakuha ng investments na may malaking benepisyo o return para sa Pilipinas.