NAKATUON ang ginanap na ASEAN Digital Ministers’ Meeting ngayong taon sa pagkakaroon ng “sustainable digital development” sa buong Southeast Asia.
Ang nasabing pagpupulong ay pinangunahan ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy na dinaluhan ng mga ASEAN member states.
Ilan sa mahahalagang puntong tinalakay sa pagpulong ay ang, pagpapaigting at pagpabilis ng pagkakaron ng digital transformation; pagtiyak ng access sa paglikha ng mas mahusay na mga serbisyo para sa COVID-19 mitigation; paggamit ng teknolohiya tulad ng blockchain technology at artificial intelligence tungo sa pagbabago, pagkakaroon ng ligtas na ecosystem; gayundin ang pagpapatupad ng pinahusay na cybersecurity na naaayon sa ASEAN Cybersecurity Cooperation Strategy.
Ang ADGMIN ay ginanap sa isla ng Boracay mula Pebrero 9-10.