HUMAKOT ng mga pagkilala ang ilang tourism business at destination sa Pilipinas sa ASEAN Tourism Awarding Ceremony ng ASEAN Tourism Forum.
Ito ay matapos tumalima sa tourism standard ng nasabing international association.
Nakatanggap ang bansa ng ASEAN Homestay na may tatlong awardee; ASEAN Public Toilet na may apat na recipient at ASEAN Spa Services na may dalawang awardee.
Tumanggap ng Model Public Toilet Award ang Cordillera Convention Hall; William Tan Enterprises Inc. (Caltex Irawan); DEU 818 Corporation (High Ridge Restaurant); at Shell OGI at Northwalk 2, City Environment and Management Office (Botanical Garden and Wright Public Toilets).
Binigyan naman ang Palaui Environmental Protectors Association (PEPA) ng ASEAN community-based tourism citation, habang ang Apricus Therapeutic Clinic sa Hilton Clark at Quan Spa sa Clark Marriott Hilton ang mga nanalo sa ASEAN Spa Services.
Limang homestays sa bansa naman ang tumanggap ng pagkilala sa nasabing awarding ceremony kabilang na ang Indakos Bed and Breakfast, Gina’s Homes, Sid Homestay, Hide Away House, at Maryhilz Homestay.