SUV driver na sumalpok sa isang trailer truck sa Tondo, Maynila, patay

SUV driver na sumalpok sa isang trailer truck sa Tondo, Maynila, patay

NAGMISTULANG nayuping lata ang isang SUV matapos itong sumalpok sa isang nakaparadang truck sa bahagi ng Tondo, Maynila.

Makikita sa CCTV footage ng Barangay 39, Tondo, Maynila sa pagsalpok ng isang SUV sa isang truck sa inner lane ng Mel Lopez Blvd Northbound lane, Tondo, Maynila, Lunes ng umaga.

Kitang-kita ang pagharurot ng kulay gray na Mistubishi Xpander na may plakang NGX 5776 at pagsalpok nito sa nakaparadang truck.

Sa pagsalpok ay sumailalim ito sa truck.

Ang SUV pagkatapos ng pagsalpok ay parang nayuping lata.

Inabot ng tinatayang 3 oras bago tuluyang nakuha sa loob sasakyan ang bangkay ng SUV Driver.

Sa pagrekober ng bangkay, kinailangan pang tumulong ang mga tauhan ng BFP.

Ang katawan ng SUV driver ay agad na inilagay sa body bag at dinala sa punerarya.

Ang nakaparadang truck may driver din pala sa loob pero hindi naman ito nasaktan dahil sa pangyayari.

Ang drayber ay kinilalang na si Jomar Generaldo Tahud na nakatira sa Balubaran, Malinta Valenzuela City.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble