SWS: 48% ng mga Pilipino, naniniwala na sila ay mahirap

SWS: 48% ng mga Pilipino, naniniwala na sila ay mahirap

AABOT sa 48% ng mga Pilipino ang naniniwala na sila ay mahirap base sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Ito ay ‘di hamak na mas mataas kaysa sa mga unang resulta ng survey noong Abril kung saan 43% lamang ang nagsabi na sila ay mahirap.

Base sa estimated na bilang ng SWS, nasa 10.9 million na pamilya ang self-rated poor noong Abril habang 12.2 million naman noong Hunyo 2022.

Dagdag pa ng SWS, nasa 31% ang nagsabing sila ay nasa ‘borderline poor’, nasa 21% naman ang nagsabing sila ay ‘hindi mahirap’.

Ang survey ay ginawa face to face sa 1,500 na kalahok sa buong bansa simula Hunyo 26-29.

Follow SMNI NEWS in Twitter