Syrian Consul General, ibinahagi ang tunay na kondisyon ng mga apektado sa lindol

Syrian Consul General, ibinahagi ang tunay na kondisyon ng mga apektado sa lindol

ISA ang bansang Syria sa mga bansang naapektuhan ng matinding lindol na yumanig sa bansa nitong February 6, 2023.

Halos 2 linggo na ang nakalilipas matapos tumama ang malakas na lindol sa bansang Turkiye at Syria.

Bagamat bumuhos ang maraming ayuda mula sa international community sa bansang Turkiye, nanawagan naman ang bansang Syria na sana hindi sila kalimutan lalo na at sila ang higit na naapektuhan sa malakas na lindol.

“Due to lack of services and equipments, our people are digging to get out the bodies. There’s no more rescue operations, we are getting the bodies and the smell..we do not have equipments,” pahayag ni Issam El-Debs, Consul General, Syria.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Syrian Consul General Issam El-Debs, ibinahagi nito na maliban sa kawalan ng kuryente, internet ay wala ding sapat na kagamitan ang bansang Syria upang magsagawa ng search and rescue operations at maisalba ang mga kababayan nitong natabunan ng mga istraktura matapos tumama ang dalawang malalakas na lindol nitong nakaraang February 6, 2023.

Ayon sa Syrian Consul, nanawagan ito ng ayuda sa international community.

Bagamat napaulat na maraming mga bansa na ang nagpaabot ng ayuda sa bansang Turkiye kabilang na ang bansang Pilipinas ay umaasa ang Syria na hindi sila makakalimutan.

Dagdag ng Syrian Consul General na may mga bansa nang nagpaabot ng tulong sa Syria matapos tumama ang lindol kagaya ng bansang Iran, Algeria, Lebanon at Malaysia.

Sa katunayan nagpadala muna ng representative ang Malaysia upang tingnan ang kalagayan ng Syria upang malaman ang angkop na ayuda ang pwede nilang ibigay.

“As of now we are receiving, Malaysia is sending 2 planes before they send the 2 planes they have send a team to evaluate what’s going on. When they reached there they could not believe what they saw, they requested the government to send a proper assistance to help our people,” dagdag ni Issam El-Debs, Consul General, Syria.

Dahil dito, apela ng Syrian Consul General sa pamahalaan ng Pilipinas na mas mainam magpadala rin ito ng representative na siyang titingin sa tunay na sitwasyon sa Syria.

“So I really appeal to the Philippines government to send a team to assess the situation and from there they can decide what they can do,” ayon pa sa Consul General ng Syria.

Umaasa ang bansang Syria na maramdaman din nila ang tulong mula sa bansang Pilipinas gaya ng mabilis na ayuda na ibinigay nito sa Turkiye.

“His Excellency Marcos Jr., he has set aside a budget for us but is under process but the one for Turkey the following day …Mr. President he announced on the 6th day before he left for Tokyo and the next day the assistance left for Turkey 88 or more rescue operators personnel who are specialized on this job, but Syria until now we did not get anything,” aniya.

Dagdag ng Syrian Consul General na nakatanggap ito ng tawag mula sa Office of the National Defense na magbibigay ito ng blanket at medical equipment pero bahala na sila sa pagpapadala sa Syria.

Nakahanda na sana ang konsulado ng Syria upang maipadala ang mga ito ngunit hindi itinuloy ng DND ang ayuda dahil magbibigay na lamang ng cash donation ang Office of the President.

Pero hanggang ngayon ay wala pang balita mula sa Office of the President kaugnay sa ayuda na kanilang ibibigay.

“We sent our appeal to the Department of Foreign Affairs on the 7th and they are still working out to the Office of the President and we are waiting. We are not expecting much, we thank them for their kind words, at least this will help our people at least mentally, spiritually. You know in reality nothing has left with Syria but a lot went to Turkiye,” aniya pa.

Ayon sa Syrian Consul General na wala na silang inaasahan na may buhay pa sa mga nasa ilalim ng mga gumuho na istraktura.

Ang nais nilang madaliin ngayon ay ang marekober ang mga nasawi dahil nagsisimula nang mangamoy ang mga ito.

Nanawagan din ang Syrian Consul General sa international community maging sa mga Pilipino na isantabi muna ang politika at tulungan sila na makabangon.

“Well I would love to ask the international community and the Filipino people, to understand where we are right now. To set politics aside, set politics aside and let us be human and just look at the humanitarian situation right now,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter