SASAMAHAN ni T.O.P ng K-pop boygroup na Big Bang si Japanese billionaire at entrepreneur Yusaku Maezawa sa isang space trip sa 2023.
Para ito sa #dearmoon project na pinangunahan mismo ng nabanggit na billionaire katuwang ang SpaceX ni Elon Musk.
May malaking anunsyo naman si Yusaku hinggil sa nakatakdang space trip na ito ngayong araw, December 8.