Taguig LGU, nagbabala sa publiko laban sa nakakaalarmang mga pagbabanta sa social media

Taguig LGU, nagbabala sa publiko laban sa nakakaalarmang mga pagbabanta sa social media

NAGBABALA ang Taguig City Government sa publiko laban sa mga nakakaalarmang mga pagbabanta ng karahasan sa pamamagitan ng social media.

Ito ay matapos kumalat sa social media kaninang umaga ang nakakaalarmang mga pagbabanta sa isang pampublikong paaralan sa lungsod.

Ayon sa city government, natanggap ng local government ang nasabing report at agad silang nakipag-ugnayan sa PNP.

Wala naman nakitang bomba o anumang pampapasabog sa isinagawang sweeping operation ng PNP, special weapons and tactics team, at bomb squad sa paaralan.

Dahil dito, hinikayat ng city government ang lahat na iwasan ang pagbabahagi ng maling impormasyon na magdudulot ng panic at alarma sa komunidad.

 

 

Follow SMNI News on Twitter