TINIYAK ni Commission on Elections (COMELEC) chair George Erwin Garcia na imo-monitor ng komisyon ang itinatakbo ng kaso ni dating COMELEC chair Andres Bautista lalo na ang bigat o merito ng mga ebidensiya na ihaharap sa korte.
Una nang napaulat na kinasuhan ng money laundering and conspiracy ng USA Gov’t si Bautista matapos na ibunyag ng kaniyang misis na si Patricia Paz Bautista, ang sinasabing ill-gotten wealth ni Bautista na nagkakahalaga ng isang bilyong piso o katumbas ng $17.57 million.
Ayon kay Garcia, eye opener ang naturang report pero aniya nananatiling inosente sa kinakaharap na kaso sa Amerika si Bautista.
Patugkol naman sa pagbili ng COMELEC ng bagong makina para sa 2025 election, sinabi ni Garcia na magiging transparent, inclusive at parehas ang COMELEC sa magiging bidding process.