Taliwas na pahayag ni Tarriela, dapat imbestigahan sa Senado

Taliwas na pahayag ni Tarriela, dapat imbestigahan sa Senado

DECEMBER 2023 sa Tokyo, Japan, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pangangailangan ng bagong paraan sa pagtugon sa isyu sa South China Sea.

Sabi ni Marcos Jr. – dapat baguhin ang direksiyon na tinatahak ng mga insidenteng ito sa South China Sea.

Naligaw nga aniya tayo sa maling landas kaya kailangang humanap na ng mas mapayapang daan.

“We have to bring all of those ideas together and to change the direction that these incidents have taken us. We have to stop going that way. We’ve gone down the wrong road. We have to disengage and find ourselves a more peaceful road to go down,” pahayag ni President Ferdinand Marcos Jr.

Dalawang araw matapos ang naging pahayag ng Pangulo, nagkaroon ng phone conversation sa pagitan nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Chinese Foreign Minister Wang Yi.

Sabi ni Manalo, nag-usap sila ni Yi kung saan mas naging maliwanag ang mga posisyon ng dalawang bansa sa ilang isyu. Pareho aniyang nabanggit ang kahalagahan ng dayalogo sa pagtugon sa mga ito.

“We had a frank and candid exchange and ended our call with a clearer understanding of our respective positions on a number of issues. We both noted the importance of dialogue in addressing these issues,” saad ni Secretary Enrique Manalo, Department of Foreign Affairs.

Isinapubliko rin ng Ministry of Foreign Affairs ng China ang mas detalyadong pag-uusap ng dalawang opisyal kung saan sinabi ni Manalo ang pag-asang mareresolba ang pagkakaiba sa paraang tatanggapin ng parehong panig, para humupa ang tensiyon sa South China Sea.

Handa aniya ang Pilipinas na palakasin ang dayalogo sa China, gumamit ng mekanismo ng komunikasyon sa pagitan ng dalawang bansa sa mga isyu sa karagatan, at sama-samang hanapin ang solusyon sa isyu.

“The Philippine side is willing to strengthen dialogue with China in good faith, make good use of the role of bilateral communication mechanism on maritime issues, and jointly seek a solution to the issue,” ayon sa Ministry of Foreign Affairs of the People’s Republic of China.

January 17, 2024, nagkaroon ng Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.

Ayon sa DFA, nagkaroon ng diskusyon sa pagitan nina Undersecretary Ma. Theresa Lazaro at Assistant Foreign Minister Nong Rong kung saan parehong nagkasundo na mapayapang resolbahin ang mga insidente sa South China Sea sa pamamagitan ng diplomasya.

Sang-ayon din ang dalawang opisyal na mahalaga ang patuloy na dayalogo para mapanatili ang kapayapaan at katiwasayan sa karagatan.

“They also agreed that continuous dialogue is important to keep peace and stability at sea,” ayon sa Department of Foreign Affairs.

Nagkasundo rin ang Pilipinas at Tsina na paunlarin ang mekanismo ng maritime communication kung saan kasama na rito ang komunikasyon sa pagitan ng mga foreign ministry at mga coast guard ng dalawang bansa.

“The Philippines and China agreed to improve maritime communication mechanism in the South China Sea. This includes communications between foreign ministries and coast guards of the two countries,” dagdag ng Department of Foreign Affairs.

Pero sa kalagitnaan ng Pebrero, naglabas ng pahayag si Philippine Coast Guard Spokesperson for West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela na magpapatuloy ang transparency strategy ng pamahalaan kung saan ilalantad ang umano’y mga agresibong aksiyon ng Tsina sa WPS.

Iyan ay sa kabila ng naunang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa na bawasan ang tensiyon sa karagatan.

Para sa Asian Century Philippines Strategic Studies, malinaw na ang pahayag ni Tarriela ay salungat sa naunang opisyal na posisyon ng bansa at pagsuway sa awtoridad.

“Mukhang si Tariella na ang presidente ng Republika ng Pilipinas,” wika ni Herman Laurel, President, Asian Century Philippines Strategic Studies Institute.

“Even Tarriela recognized na may deescalation deal. May deal. Sino ba siya na sasalungatin ang deal na ginagawa sa pagitan ni President Xi Jin Ping at President Marcos?” ani Laurel.

“Insubordination. Malinaw po. At wala siyang ipinakitang basehan ng pag-aanunsyo doon sa Strat-based ADR,” aniya.

Kaya para kay geopolitical analyst Herman Laurel, dapat na imbestigahan ng Senate Foreign Relations Committee ang ginawang ‘insubordination’ ni Tarriela – bagay na suportado ng kaniyang kasamahan na si Ado Paglinawan.

“It’s about time the people know what is happening to this country. Tama na iyang mga Maharlika na iyan. Tama na iyang mga Morales na iyan. Ito ‘yung mga cut isyu eh. Hindi naa-address,” saad ni Ado Paglinawan, Vice President for Internal Affairs, Asian Century Philippines Strategic Studies Institute.

Pero sabi ni Laurel, kung walang mangyayaring imbestigasyon ay mag-oorganisa sila ng People’s Tribunal.

Pinag-aaralan na rin aniya ng kanilang legal team ang mga aksiyon kung hindi kikilos ang Senado.

“Kung hindi po makapag-convene ang Senado ng imbestigasyon, tayo ay bubuo ng tribunal. At unang iimbitahin natin na witness ay si Tarriela para matanong kay Tarriela anong basehan mo sa sinabi mo Pebrero Atrese?” ani Laurel.

“Nakakapagtaka po na up to now, wala pong imik ang Senado dito sa tanong na ito?” ayon pa kay Laurel.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble