IPAPAKITA at ipagpapatuloy ng re-electionist senators ng Partido Demokratiko Pilipino (PDP) ang tatak ng serbisyo ng partido kung lulusot sila sa 2025 midterm election.
Ito ang inihayag ni Sen. Bato Dela Rosa sa national assembly ng PDP sa Davao City noong Setyembre 20, 2024.
Saad pa nito, kanilang ipagpapatuloy ang serbisyo para sa mga Pilipino sa gitna ng kinakaharap nilang political persecution.
Ipapakita rin nila na sila’y tatakbo at magiging politiko para mag-serbisyo, gumawa ng maayos at hindi manira sa kapwa.
Hinikayat din nito ang kaniyang mga kapartido na ipakita ang tamang pagserbisyo at huwag pumunta sa ‘gutter politics’.
Kabilang sa tatakbong senador ng PDP sa midterm election ay sina Sen. Bato Dela Rosa, Sen. Bong Go, at Philip Salvador.