Tatlong Pinay na biktima ng mail order bride, nakakustodiya na sa IACAT

Tatlong Pinay na biktima ng mail order bride, nakakustodiya na sa IACAT

HINDI na nakaalis ng Pilipinas ang tatlong Pilipina na pinaniniwalaang biktima ng mail order bride matapos nagtangkang umalis sa pamamagitan ng pagdaan sa Mactan-Cebu International Airport.

Sinabi ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na nagprisinta pa ng marriage certificate mula sa Philippine Statistics Authority ang tatlong Pinay sa dalawang magkahiwalay na insidente nuong June 28 at 29.

Isa anya sa mga babaeng biktima na 29-anyos na nagtangkang sumakay sa eroplano papuntang Shanghai China kasama ang isang lalaking Chinese national na nagpakilalang mister nito ang naharang ng mga miyembro Immigration Protection and Border Enforcement Section.

Katulad naman ng dalawa pang mga biktima na edad 24 at 25 ay kapwa hindi nagtugma ang mga ipinakitang dokumento kabilang ang sertipikasyon ng kasal ng PSA at sa interogasyon ay umamin ang tatlong pasahero na naproseso ang kanilang dokumento na binayaran nila ng P17,500 sa pamamagitan ng money transfer.

Ang tatlong Pinay ay nasa pangangalaga ngayon ng Inter-Agency Council Against Trafficking para sa karagdagang imbestigasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble