Tensiyon sa WPS, hindi matutuldukan kung hindi mag-uusap ang Pilipinas at China—Atty. Panelo

Tensiyon sa WPS, hindi matutuldukan kung hindi mag-uusap ang Pilipinas at China—Atty. Panelo

PATULOY pa rin ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo ng China at Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito sa pahayag ni Chinese President Xi Jinping kamakailan kung saan pinaghahanda nito ang militar ng bansa sa posibleng maritime conflicts partikular sa East at South China Seas.

Tugon naman dito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., hindi isusuko ng Pilipinas ang anumang teritoryo ng Pilipinas.

Nandyan din ang tila pag-uudyok ng gulo ng Estados Unidos na pilit nangingialam sa Pilipinas at China ayon sa Chinese Embassy.

Dahil dito, sinabi ni Dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo na hindi ito matatapos kung hindi mag-uusap ang dalawang lider ng dalawang bansa.

Sinabi naman ni Panelo na may sariling interes ang mga nagsusulsol sa bansa kaugnay rito.

Naniniwala si Panelo na ang ginagawang hakbang ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo ay kapareho lang sa paninindigan ng Pilipinas sa karapatan nito sa WPS.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble