Teves camp, tinawag na ‘anti-climactic’ ang mga kasong isinampa vs Rep. Arnie Teves

Teves camp, tinawag na ‘anti-climactic’ ang mga kasong isinampa vs Rep. Arnie Teves

TINAWAG na ‘anti-climactic’ ng kampo ni suspended Negros 3rd District Representative Arnie Teves ang pagsasampa ng murder at attempted murder charges laban sa mambabatas.

Ito ang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, ang legal counsel ni Rep. Teves.

Ani Topacio, matagal nang sinabi ng kanilang kampo na kung may ebidensiya ay dapat nagsampa na ng kaso sa korte, pero ang nangyari aniya ay nauna ang trial by publicity.

Matatandaan na napaslang si Negros Oriental Governor Roel Degamo noong March 4, 2 buwan na ang nakalilipas.

Sa ngayon ay nasa labas pa rin ng bansa si Teves at sinabing uuwi lang ito kung malinaw na at matanggal na ang kaniyang agam-agam sa kaniyang seguridad.

Ngayong may kaso na kinakaharap na si Teves, nilinaw naman ni Topacio kahit maglalabas pa ng search warrant laban kay Teves, hindi pa rin uuwi ang mambabatas.

Kinikilala naman aniya ng Korte Suprema ang karapatang ilayo ang sarili sa kapahamakan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter