BINALAAN ng Department of Justice (DOJ) si suspended Cong. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. kaugnay sa patuloy na pananatili nito sa ibang bansa.
Sinabi ni DOJ Crispin Remulla na mas maigi kung umuwi na lang ang mambabatas at harapin ang mga reklamo at alegasyon laban sa kaniya.
Sa ganito aniyang paraan ay mas malayang makakadepensa si Teves para itanggi ang ibinibintang sa kaniya, na siya ang utak sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at sa 9 sibilyan na nadamay.
Paalala pa ni Remulla na kung patuloy na magtatago si Teves at hindi haharapin ang mga alegasyon ay maraming mawawalang benepisyo sa kongresista tulad ng kanselasyon ng kaniyang pasaporte, posibilidad na ma-expel o matanggal sa puwesto bilang kongresista at malilimitahan na rin ang kaniyang paggalaw o mga aktibidad.
