Thai-Lao bridge sa Nong Khai, nanatiling nakasara dahil sa pangamba sa Omicron variant

NANANATILING nakasara ang Thai-Lao bridge sa Nong Khai dahil sa pangamba sa Omicron variant.

Ipinagpaliban muna ang plano na buksan muli ang tulay na nag-uugnay sa Thailand at Laos habang hinihigpitan ng pamahalaan ang mga hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng Omicron variant.

Ito’y kasunod ng plano ng Thailand na payagang pumasok sa bansa ang mga fully vaccinated na indibidwal sa pamamagitan ng Thai-Lao bridge sa Nong Khai sa ilalim ng quarantine-free scheme.

Dahil dito, binigyang linaw ng centre for COVID-19 situation adminstration ang suspensyon ng nasabing programa kabilang na ang pagbubukas ng tulay at mga airport.

Samantala, susuriin ng centre for COVID-19 situation adminstration ang sitwasyon ng COVID-19 bago magpasyang buksan muli ang tulay.

Kaugnay nito, nakatakdang isagawa ang susunod na pagpupulong ukol dito sa Enero 4.

SMNI NEWS