Thailand fruit exports, inaasahang tataas ngayong taon

Thailand fruit exports, inaasahang tataas ngayong taon

INAASAHAN ng pamahalaang Thailand na tataas pa ang porsiyento ng fruit exports nito ngayong taon.

Nagpahayag ang pamahalaan na posibleng tumaas pa ang bilang ng i-export nitong mga prutas.

Ayon sa Thai Ministry of Commerce nitong Enero at Agosto ngayong taon nakapag-generate ang bansa ng 169 billion THB o 5 billion USD ng na-export na mga prutas.

Nasa 46% taon-taon umano ang itinataas ng nasabing exportation ng mga prutas.

Ayon naman kay Thai Deputy Prime Minister at Minister of Commerce Jurin Laksanawisit, pag-iibayuhin pa nila ang kanilang trabaho at dadagdagan pa ang bilang ng mga i-export na mga prutas.

Nakatuon ngayon ang bansa na palakasin ang distribusyon ng mga prutas, local consumption, at maging sa online businesses nito.

Samantala, target ng Thailand na maabot ang 3.5 milyong tonelada na fruit exports sa susunod na taon.

SMNI NEWS